Sunday, March 28, 2010

Pag-Init ng Globo

Pag-Init ng Globo

by
Prof. Liwayway Memije-Cruz


Tayo ay nahaharap sa isang itinuturing na pinakamalaking panganib. Ang pag-init ng globo. Halos lahat ng mga mananaliksik ng buong mundo ay lubhang nababahala sa unti-unti ngunit walang humpay na pagbabago sa ating kalikasan. Bagamat may mangilanngilan parin ang nag-aalinlangan ukol dito, marami parin ang sumasang-ayon na tunay ngang umiinit ang temperatura ng lupa.

Ang Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC), ang isang grupo sa ilalim ng United Nation ay nagbigay ng ulat kamakailan lang na ayon sa kanila ang pag-init ng globo ay di na natin maikakaila o ito ay isang katotohanan. Ayon din sa kanila ang tao malamang ang pangunahing may kagagawan nito. Ano nga ba ang mga dahilan?

1. Lumalaking bilang ng Populasyon.

2. Lubhang pagdami ng ibat-ibang uri ng polusyon

3. Pagkabutas ng “Ozone Layer”

4. Ang pagtindi ng “Green House Effect”.

Ang Greenhouse effect ang isang likas na paraan ng pag-init ng lupa na itinuturing na lubhang napakahalaga sa buhay. Sa prosesong ito ang pitumpong porsyento (70%) ng enerhiyang mula sa araw ay ginagamit upang painitin ang hangin, kalupaan at karagatan. Dahil dito ang katamtamang Temperatura sa ibabaw ng lupa ay nagiging desiotso digri Celsius. Ang naturang init ay sumisingaw pabalik sa kalawakan at pinanatiling balanse ang init ng temperature ng lupa. Dahil sa tindi ng polusyon, ang komposisyon ng atmospera ay nababago at ang init nito ay hindi na halos makasingaw at ito na ang nagiging sanhi ng pagtaas ng temperature ng lupa . Ang greenhouse gas na nagpapatindi ng greenhouse effect ay ang carbon dioxide, nitrous oxide, methane at ang pagsingaw ng tubig. Ang nakakaalarma dito ay ang lubhang mabilis na pagdami ng mga gas na ito sa atmospera. Ang mga ito ay dulot na rin ng pag-unlad ng industriyalisasyon, malawakang pag-gamit ng fossil fuel katulad ng langis at karbon, ang pagdami ng mga bakahan at babuyan at iba pang mga hayupan na lumilikha ng dumi na nagdudulot ng methane at nitrous oxide. Ang paghahayupan ang sanhi ng mas maraming greenhouse gases na higit pa sa kabuuan ng lahat ng sasakyan sa buong mundo. Isama din ang pagkakalbo ng kagubatan. Sa ating pagmumuni sana ay isipin natin na may magagawa pa tayo sa pag-init ng globo. Isipin natin na sa pagbabalangkas natin sa mga solusyon para dito, mga anak natin ang ating isinasa-alangalang. Kailangan ng magtulungan tayo bago mahuli ang lahat.

62 comments:

  1. ROBIN M. RACUYA BSIOP III-3
    Tunay nga po na nakaaalarma ang pag-init ng globo. Sa aking obserbasyon, ay maraming tao ang walang pakialam sa mga nangyayari sa ating kapaligiran. Walang pakundangan sa pagtatapon ng mga basura kung saan-saan, patuloy na paggamit ng mga kemikal na nakasasama sa ating kalikasan, at marami pang iba. Kawalan ng disiplina at pagmamalasakit, at pagkamakasarili ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Nakalulungkot ngunit ito ang realidad, kailangan nating kumilos at makialam. Bilang isang studyante, marami akong magagawa sa pagsagip ng naghihingalo nating kalikasan. Kahit sa maliit na paraan, may magagawa ako. Kung hindi akon kikilos ngayon, kelan pa? Kapag huli na ang lahat? Kung hindi ako ang maaapektuhan, sino pa? Tayo-tayo rin ang masasangkot sa problemang ito. Ngayon na mismo ang tamang panahon para kumilos, ako mismo ang mag-uumpisa. Disiplina, pagmamalasakit , and pagmamahal sa inang kalikasan ang kailangan at solusyon ng lahat ng ito!
    Ang ligalig na posibleng idudulot ng pag-init ng mundo ay ang pagtatangkang maibsan ang pag-init ng mundo na sumasaklaw sa mga aksyon upang pababain ang negatibong epekto o malamang na pangyayari ng pag-init ng mundo.
    May apat na kategorya ng hakbangin upang maibsan ng pag-init ng mundo:
    1. Pagbabawas sa paggamit ng enerhiya (konserbasyon)
    2. Pag-iwas sa paggamit ng petrolyong parikit (fossil fuel) na base sa karbon at paggamit ng ibang mapagkukunan ng alternatibong enerhiya.
    3. Pagsilo at pagtatago ng karbon.
    4. Pagpapababa sa paggamit ng enerhiya (pagtitipid)
    Ang sumusunod ang mga hakbangin upang maiwasan ang pag-init ng mundo: pag-unlad ng mga bagong teknolohiya, lakas ng hangin, lakas nukleyar, lakas ng araw, baguhing enerhiya, biyodiesel, sasakyang de koryente o hybrid, fuel cells, pagtitipid sa enerhiya, buwis sa karbon, pagpapabuti sa natural na pagtatago ng carbon dioxide, at ang paghuli at pagtatago ng carbon. Ilang grupong pangkapaligiran ang nagsusulong sa aksyong indibiduwal laban sa pag-init ng mundo na karaniwan ay nakatutok sa mga konsumedor. May ilan ding aksyong ng mga negosyante sa pagbabago ng klima.
    Ang pangunahing pandaidigang pagsang-ayon upang maibsan ang pagbabago sa klima ay ang Kyoto Protocol. Ang Kyoto Protocol ay susog sa United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC). Ang mga bansang nagratipika ng protokol na ito ay nangangakong pababain ang kanilang emisyon ng carbon dioxide at lima pang greenhouse gases o makipagkakalakalan sa emisyon kung mapananatili nito o tataas ang kanilang emisyong ng mga gas na ito.
    Kahit na sapat na ang magkasamang makaagham na konsensus at insentibong ekonomiko na mahimok ang gobyerno ng mahigit 150 bansa upang maratipika ang Kyoto Protocol (di kasama ang Estados Unidos at Australya), patuloy pa rin ang debate kung gaanong karaming emisyon ng greenhouse gas ang magpapainit sa planeta. Ilang politiko kasama ang pangulo ng Estados Unidos na si George W. Bush , Punong Ministro ng Australya na si John Howard [45] ay nagbabalala na ang halaga sa pagsugpo ng pag-init ng mundo ay lubhang napakalaki upang maging marapat ito. Gayunman, may ilang bahagi ng komunidad pangnegosyo ang tinanggap ang katunayan ng pag-init ng mundo na bunga ito ng tao na nangangailangan ng aksyon ng tao tulad ng kalakalan sa emisyon ng carbon at buwis sa carbon.
    Ang pag-aakma sa pag-init ang isang paraan upang maibsan ang hindi kanais-nais na epekto nito. Halimbawa sa mga istrateheya ay ang depensa sa pagtaas ng pantay laot (sea level) o pananatili ng mapagkukunan ng pagkain.

    ReplyDelete
  2. Pag init ng globo, lahat tayo apektado ng bagay na to. Hindi pa tapos ang mga pangarap ng bawat isa satin parang natatapos na dahil sa sobrang kahirapan at init ng globo ramdam mo agad ang hirap.

    Pero sa kabila ng lahat pinoy tayo. At tayo tayo na may isip at hindi natin hahayaan at hind tayo susuko para dito.

    May magagawa pa tayo. Kaya natin tapusin at baguhin ang mga nangyayari ngayon.

    Simulan na natin mga kabataan! tapusin ang bisyo! iligtas ang mundo!

    ReplyDelete
  3. Tunay ngang hindi na maikakaila ang patuloy na pag-init ng globo. Nararamdaman na natin ang matinding epekto ng ating mga kapabayaan at kaabusuhan sa ating kalikasan. Ngunit may panahon pa. Habang tayo ay nabubuhay, may magagawa tayo. Maari nating baguhin ang kinabukasan ng mundo. Gamitin natin ang ating gintong kaalaman at natitirang lakas upang bigyang solusyon ang tawag ng naghihingalong kalikasan.

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. ano nga ba ang green house effects?

    tanong ng ilang kabataan na naging ka tropa ko simula ng pagkabata pa.
    ako bilang kaibigan ng buong tropa sinagot ko sila at ito ang sinabi ko:

    pare hindi ba kayo nababahala na kinabukasan at sa makalawa ay maaring magunaw ang mundong ating ginagalawan. dahil dito sa climate change na ito. umiinit ng husto kaya tayo nakakaranas ng sobrang ineet at sobrang tubig naman kapag umuulan. ganito ang nadudulot nitong climate change na to pare. ang kalikasan natin masyadong naabuso na ng mga tao. at nananatiling lumalala ito kaya kung ako sainyo tumulong na din kayo. kung gusto nyong may matirahan pa ang mga apo natin.

    kame bilang isang tropa kahit lokohan ay nagagawa naman tumulong upang maisalba ang ating mundong nagraranas ng matinding hirap.

    - snyder

    ReplyDelete
  6. Pag-init ng globo

    totoo ngang ramdam na natin ang pag init ng globo subalit may mga iilang tao pa rin ang hindi marunong mag pahalaga sa ating kapaligiran. Dahil sa sobrang katamaran na sabi nga eh namana raw natin ito kay juan tamad, kung saan saan na lamang natin itinatapon ang ating mga basura.

    Lahat ng bagay ay nag mula sa kapaligiran ngunit tayong mga tao. Dahil nga sa pag dami ng populasyon higit natin kailangan ang kapaligiran ngunit sa sobrang pag aabuso nalilimutan atang palitan kung ano man ang kanilang kinuha katulad na lamang ang mga punong pinuputol na hindi napapalitan.


    Ang pag daing ng mga tao na amoy nabubulok ang ilog pasig ngunit sila rin naman ang dahilan kung bakit nag kaka ganon ang ating ilog. hindi ba't tama ako?

    ReplyDelete
  7. Marami nang nakakarining nang tungkol sa green house effects. Pero kahit na malaman nila kung bakit nagkakaroon at kung ano ang epekto nito sa tao at sa kalikasan, hindi naman nila ito pinag-aaksayahan nang panahon para ayusin. At nag masama, ang mga tao ay hinahayaan na rin na mangyari ito nang hindi nila napapansin. Gaya na rin ang paghahayupan na pinagkakakitaan nang mga tao. Ang mga chemicals na nilalabas nang mga hayop at maging nang tao na nagko-contribute sa pagbigat nang atmospera na sa kabuuan ay nagiging dahilan nang patuloy na paglala nang greenhouse gases at nang global warming sa kabuuan, after ko mabasa ang entry, lalo pang tumibay ang ebidensiya na gawain nga nang tao ang kasiraan nang kalikasan, kaya’t dapat may gawin din ang tao para maayos ang kalikasan.





    -aiRa-
    *bRave-hEarts*

    ReplyDelete
  8. Green House Effect..

    Hindi na natin maikakaila pa ang nararanasan nating sobrang init ng panahon. Nakakatakot..Ngunit marami pa rin ang walang pakialam.. Marami na ang halos hindi makatagal sa ilalim ng init ng araw..Puro reklamo..pero ang hindi nila alam, sila ismo ang may gawa nito.

    Tao ang may kagagawan ng lahat ng ito, sa tao nagsimula, kaya sa tao rin dapat magtapos,

    Simulan na ang pagbabago, alagaan at pahalagahan na ang anting kapaligiran..

    Basta't sama-sama, kayang kaya.!!

    ReplyDelete
  9. global warming.

    pag-init ng globo?
    nakakatok nga ba ito?

    para sa sarili kong opinyon,npakadelikado nito para sa kinabukasan ng bawat isa. maaari itong magdulot ng di kaaya-aya sa mga taong naninirahan sa earth. ang pag-init ng globo ang syang dahilan kung bakit hindi maganda ang klima natin ngayon.

    ang aking masasabi lamang ay ang mga taong walang pakialam sa kinabukasan nila ang may puno at dulo nito. sila ang may gawa ng mga di kanais nais na bagay kung bakit nagkaroon ng pag int ng globo.

    para sa kabataan ngayon, huwag na natin pang ipagpatuloy ang nasimulang pagsira sa kapaligiran. tayo ang manguna upang masagip ang nagliliyab ng mundo, tayo ang magsilbing mga bumbero upang maapula ang ang sakunang ito.

    hanggat may pagkakataon, gumalaw tayo na tunay na mga tao. trayo din ang makikinabang dito pag dating ng panahon.

    ReplyDelete
  10. Hindin na natin maipipikit ang ating mga mata at mababalewala ang napakalaking epekto ng unti-unting paglaki ng butas ng ating ozone layer. Mararamdaman na lang natin ito ngayong panahon ng tag-init. Sobrang napakainet na sa bawat sulok ng ating bansa. Hindi ba't sobrang nakakaalarma ang sobrang init na ating nararanasan at ang pabago-bagong panahon?May panahon pa para ito'y ating mabago. Bakit hindi kaya natin pagtulong tulungan kung papaano muling maibabalik paunti-unti ang mga nasira kay inang kalikasan.

    Sa bandang huli ay tayo ring lahat ang magsisisi sa di wastong pangangalaga sa ating inang kalikasan.

    ReplyDelete
  11. Tunay nga na nakaaalarma ang mga pagbabago sa klima na ating nararanasan sa ating panahon. Sobrang init ng panahon, malalakas na bagyo, at malakihang pagbaha na nagdudulot ng mallaking perwisyu at suliranin ng mga tao. Ngunit bago natin sisihin ang kalikasan, suriin natin ang ating mga sarili kung naging bahagi tayo ng pagkasira ng ating kalikasan na gumaganti sa ating kasakiman. Tao ang salarin sa lahat ng ito at tao rin ang sisingilin ng kalikasan.
    Hindi pa huli ang lahat, may pag-asa pa, may magagawa tayo. Ako bilang isang kabataan ay may malaking kapasidad at kakayahan upang makatulong sa pagsagip ng naghihingalo nating mundo. Kahit sa mumunting paraan, ay may maitutulong kapag lahat ay nagkakaisa, nagtutulungan, at nagmamalasakit sa ating inang kalikasan. Ang pagpapahalaga sa mundong ating ginagalawan ay nagpapakita ng ating pagmamahal sa Diyos na lumikha ng lahat. Kung hindi ngayon, kalian pa? Kung hindi ako, sino pa? Kundi tayo-tayo rin ang may responsibilidad sa pagsasaayos ng isyung ito. Ako mismo, sa sarili ko uumpisahan ang disiplina at pagmamalasakit sa ating kalikasan. Kilos na, ngayon na!

    ReplyDelete
  12. GLOBAL WARMING! Sobrang nakakabahala ang nangyayari sa ating mundo ngayon. Marami at mas marami tayong nababalitaan na kalamidad sa iba't ibang panig ng mundo. Sa Pilipinas, kapag El Niña nakakaranas tayo ng sobrang pag-ulan at kapag El Niño sobrang init ang nararanasan natin. Hindi ito katulad ng temperatura na nararamdaman natin dati na para sa akin ay mas normal di tulad ngayon na parang mas pinainit ang temperatura. Hindi pa huli ang lahat, kailangan nating mahalin ang ating kalikasan para mahalin din tayo nito! Alagaan nating ng tama ang biyaya ng Diyos sa atin para balang araw magkaroon tayo ng maayos na pamumuhay.


    Kroesha Jena G. Francisco
    BOA II-5D

    ReplyDelete
  13. tayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan.. ngunit bakit mukhang tayo pa mismo ang nakakadagdag ng problema ng mundo!. hindi niyo ba naisip kung ano na lang ang mangyayri sa atin kung tuluyan ng mawawasak ang mundo.. hoy mga kabataan gumising na kayo sa katotohanan.. patunayan niyong tayo ang pag-asa ng bayan.. tayo na at mag kaisa upang masolusyunan ang problemang tinatamasa natin ngayon.. nasa ating mga sarili ang simula ng pagbabago.. sa simpleng paraan lang makakatulong na tayo..just conserve energy

    ReplyDelete
  14. Matagal ng usapin ang tungkol sa "Global Warming" o ang patuloy na pag-init ng mundo. Maraming eksperto na ang nagmungkahi ng kani-kanilang mga opinyon sa kung paano malulunasan ang namimiligro ng kalagayan ng ating globo. Ilang kaparaanan na rin ang ginawa ng mga may katungkulan at kasama na nga dito ang ilang mga programa na isinusulong ang paglilinis ng kapaligiran at pagtatapon ng basura sa tamang lugar. Gayundin ang pag-papaalala sa mga drayber ng jeep o anumang uri ng sasakyan na panatilihing malinis ang kanilang mga tambutso ng hindi maglabas ito ng maitim na usok na delikado sa kalusugan ng mga mamamayan lalong lalo na sa atmospera. Nakakalungkot isipin na sa pagyabong ng ating kamalayan sa teknolohiya at modernisasyon ay magdudulot pala ng matinding pagkasira ng ating mismong tahanan.Tahananang pinahiram lamang sa atin ng Maykapal na atin sanang pangangalagaan, pagyayamanin at mamahalin.Minsan, iniisip ko ang magiging kinabukasan ng mundo. Minsan, nangangarap ako ng isang mundong malaya sa anumang uri ng polusyon, sa anumang uri ng panganib, pangamba, pag-aalinlangan at takot. Hmmmmm. Sa nanlulumong kalagayan ng mundo sapat na ba ang isang malalim na buntung-hininga para masabing nagmamalasakit ka? sapat na ba ang sabihing sirang-sirang na ang kalikasan dahil sa kagagawan ng tao at matapos ay magmumuni-muni sa isang tabi? Para sa akin, hindi sapat na kaawaan lamang ang mundo dapat gumawa ng isang kongkretong aksyon para malunasan ang patuloy niyang pag-init na nakakaapekto sa bawat isa!!

    Tama na ang matamang pagmamasid, humakbang na para sa kaligtasan ng ating sariling panahanan. Hindi man natin mapigilan ang patuloy niyang pag-init, kahit man lamang mabawasan ang mga bagay na nagdudulot ng kanyang labis na pag-init katulad na lamang ang pagbubuga ng carbon dioxide at carbon monoxide sa atmospera at iba pang uri ng nakakasirang kemikal. Ngunit sa paanong paraan? Tigilan na ang pagkakaingin,paninigarilyo,pagbubuga ng maitim na usok mula sa ating mga tambutso at pagtatapon ng basura sa tamang lugar. Kahit sa mga simpleng kaparaanang ito ay makakatulong tayo sa pagbabawas ng mga delikadong kemikal sa atmospera na sumisira sa ating ozone layer.

    Hindi pa nga huli ang lahat.... may panahon pa para sa isang pagbabagong gugulat sa bawat isa. Na sa ating pagtutulungan ay masasabi nating, " Kaya pala nating iligtas ang mundo sa naghihingalo nitong kalagayan"...:)

    Maging mulat nawa ang bawat isa sa malawakang panawagan na ito na kumilos na, magkapit-bisig, iligtas natin ang mundo...!!!!


    sama-sama tayo para sa isang ganap at malawakang pagbabago.


    April Rose C. Soronio
    BSA H2-1D :)

    ReplyDelete
  15. Nakakaalarma ang mga ganitong pangyayari at tunay na nakakabahala. Wala ngang ibang sisihin kundi tayo rin mga tao. Mga taong walang pakundangan sa pagtatapon at pagdudumi sa ating kapaligiran. Maging ako ay di maikakailang isa sa kanila, sa simpleng pagtatapon ng balat ng candy, sobrang pagkonsumo ng kuryente,at pagsasawalang bahala sa maling nakikita at ginagawa ay isang malAKing kasalanan at nakadadagdag lalo sa suliraning kinakaharap nating lahat.

    Kung tayo ang may kagagawan, tayo rin ang syang may responsibilidad na agapan ang nakakaalarmang pangyayari na ito. Kung tayong lahat ay magtutulungan, maaaring mabawasan ang lumalalang problema ukol sa ating kapaligiran. Pagbabago ang kailangan.

    Bilang isang mamamayan, at bilang isang estudyante, sisimulan ko sa aking sarili. Sabi nga nung eleksyon, AKO MISMO! BAkit hindi natin gawin muli ito? Sa tingin ko, nasa tao ang susi sa problemang kinakaharap natin. Kung hindi magbabago ang tao sa maling gawain, malayong makamit natin ang minimithing paglutas sa Global WArming.


    MARIJANE T. OYO-A
    BOA 2-3D

    ReplyDelete
  16. Paano na nga ba natin maililigtas ang nanganganib nating globo ? Hindi na nga lingid sa ating mga kaalaman ang problemang ito. Ngunit bakit hanggang ngayon ay patuloy parin tayo sa mga maling gawi na nagiging dahilan upang ito'y lumala pa. Marami ng may mga kaalaman, eksperto ang nag pauna upang malutas ang napakatagal ng problemang ito ngunit bakit nga ba hindi parin ito malutas lutas o masulusyunan.

    Sa aking pag aanalisa akin lamang naisip na hindi naman natin kailangan pa ng mga magagaling pang magpapauna upang makagawa ng mga programa bakit hindi natin simulan sa ating sarili, pagkatapos ay sa atin ng nasasakupan at hindi magtatagal masusolusyunan natin ng paunti-unti ang problemang ito.

    Mulat man tayo sa problemang ito kung hindi rin naman natin gustong sulosyunan ay wala ring mangyayari.

    Sama-sama tayo upang ating mailigtas ang daigdig. Lagi nating tandaan na hindi satin itong mundong ating ginagalawan malugod lamang itong IPINAHIRAM at PINAGKATIWALA ng MAYKAPAL.

    Rhona D. Domingo
    BSA 2-22d

    ReplyDelete
  17. Sa Pilipinas, damang dama na ang biglaang pagbabago ng temperatura. Lubhang mainit na kung ikukumpara sa mga nakarang taon. Maraming patunay na totoong nagbabago na nga ang klima at marami ring dahilan ngunit kung atin itong susuriin, tayo rin naman ang may kagagawan. Gayon pa man, hindi na natin maaaring alisin ang mga nakagawian na natin na nakadaragdag sa problemang ito, ngunit maaari naman natin itong bawasan kahit na kaunti kung susubukan natin.

    Sa problemang ito, isa lang ang masasabi ko, ang MAKAISA…kung sama-sama, lahat kayang-kaya.


    Judith Ann S. Mabutot
    BSA 2-22D

    ReplyDelete
  18. Tunay ngang hindi na maikakaila ang pag init ng globo. Sa Pilipinas ramdam ng bawat Filipino ang mainit na klima. Nahaharap tayo ngayon sa isang malaking problema kung saan nagkukulang ang suplay ng tubig sa ilang lugar isa lamang ito sa mga epekto ng patuloy na paginit ng panahon. Kung ating iisipin wala naman dapat sisihin kung hindi ang tao, ang tao ang may kasalanan kung bakit nahaharap ang mundo sa isang malaking problema. Totoo ngang mataas na ang kalidad na teknolohiya pero kung ating iisipin malaki ang nagawa nito sa pagkasira ng "ozone layer" inabuso ng tao ang paggamit ng teknolohiya. Ang bawat bagay sa paligid ay hiram lamang ng tao nabuhay tayo sa mundo upang alagaan ang nilikha ng diyos pero hindi ito ang ginagawa ng tao dahil sa kagustuhang umangat hindi natin napapansin na sinisira na natin ang ating inang bayan anung Pilipinas pa nga ba ang aabutan ng ating mga anak at apo? hindi pa huli ang lahat may paraan pa para maitama ang mga pagkakamaling nagawa natin kung makikiisa lamang ang bawat isa kaya pa nating ibalik ang mundo sa dati nitong ganda.




    BAUL,RICHARD M
    11-22D

    ReplyDelete
  19. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  20. Ang pag-init ng globo ang isa sa kinakaharap na problema ng ating daigdig. Maging dito sa Pilipinas, damang dama na ang sobrang init , na alam naman natin na ito ay hindi na normal sa atin.

    Dapat natin itong pigilan at kung maaari ay dapat na huwag ng palalain pa. Dahil tayo din naman ang makikinabang.

    OBLIGASYON at RESPONSIBILIDAD nating mga kawangis ng DIYOS na ito ay pangalagaan at bantayan. Ito ay isang magandang regalo sa atin ng Panginoon na dapat ay huwag nating sayangin bagkus ay mahalin...


    Erriza M. Idanan
    BOA 2-5D

    ReplyDelete
  21. Ang pag-init ng globo ay ang pagtaas ng temperatura sa ating daigdig dahil sa patuloy na pang-aabuso natin dito. Lahat ng tao dito sa daigdig ay may iba't-ibang tungkulin at responsibilidad na dapat nating gawin. Ibinigay ng Panginoon sa atin ang daigdig kaya marapat lamang na alagaan natin ito at pagymanin.

    Simulan na natin alagaan ang ating mundo bago pa mahuli ang lahat, tayo na at magkaisa para sa ating MUNDO.


    Joy B. Peronce
    BOA 2-5D

    ReplyDelete
  22. Napakainit na ngayon. Hindi na tulad ng dati na kahit lumabas ka ng wlang payong sa tanghali ay hindi masayadong masakit sa ulo at balat. Pero ngayon, damang-dama na natin ang init. At ang masama ay may nakukuha tayong sakit mula sa rito.

    Hindi naman tayo ignorante para hindi malaman ang epekto ng pag-init ng globo subalit bakit marami pa rin sa atin ang patuloy na sumisira sa ating paligid. sadya bang wala silang pakialam? Ang isipan nga naman ng Tao, sadyang mahiwaga.

    Ngunit sana naman ay gumising na sila,tayo sa katotohanang malapit ng masira ang ating tirahan kapag patuloy pa tayong nagbubulagbulagan sa sitwasyong ito. Hindi pa huli ang lahat para tayo ay kumilos.


    Hermin Jane C. Tobias
    BSA2-22D

    ReplyDelete
  23. Ang pag-init ng globo ay sa kadahilanang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gases na resulta ng pagsunog ng produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, at iba pang kagagawan ng tao ang mga pangunahing sanhi ng pag-init ng mundo.

    kailangan nating alagaan ang ating kalikasan at sugpuin ang mga taong sumisira nito .

    Hindi pa huli ang lahat, at sa mga taong gustong mapanatili ang kaayusan at maging maganda ang daigdig alagaan natin ito at mahalin.

    Ivy Rose de Roxas
    BOA II-5D

    ReplyDelete
  24. PAG-INIT NG GLOBO

    Ang lahat ng tao ay patuloy na nararanasan ang pag-init ng mundo. Ang dahilan ng ganitong suliranin ay dahil sa pagpapabaya ng mga tao sa Inang Kalikasan tulad ng pagsusunog ng mga bagay na nagmumula sa petrolyong langis, pag-ubos ng mga puno sa kagubatan at marami pang iba.

    Ang Inang kalikasan ang siyang pangunahing pinagkukunan ng mga pangangailangan ng mga tao kaya kailangan natin pangalagaan ng mabuti ang kalikasan, ngunit marami pa rin ang walang sumisira dito.

    Ang problemang ito ay nagkakaroon ng masasamang epekto lalo na sa mga kabataan. Marahil ito na ang ganti ng kalikasan sa mga taong walang awang sumisira dito. Bilang isang nilikha, nararapat nating pangalagaan at mahalin ang kalikasan dahil ito ang bumubuhay sa ating lahat.

    Hindi pa huli ang lahat, may magagawa pa tayong paraan para masolusyunan ang problemang ito. Dapat tayong magkaisa at magtulungan para sa kapakanan ng lahat ng tao at pati na rin sa mundong ating tinitirahan. Magkaroon tayo ng disiplina sa ating sarili. Magtanim ng mga puno at palitan ang mga punong pinuputol sa mga kagubatan. Gawin natin ito para mapanatili ang kaayusan ng mundo.


    ♥ Michelle T. Rosales
    BOA 2-5D ♥

    ReplyDelete
  25. Global warming.

    Pag-init ng Globo. Para sa ibang ito ay simpleng pagbabago bago ng klima, ngunit ito’y napakalaking suliranin sa buong sangkatauhan. Hindi lang ito sa Pilipinas ngunit sa buong daigdig. Ito’y isang bagay na napakapahamak hindi lang sa tao ngunit sa buong globo.

    Ano nga ba ang magagawa natin? Ngayon ramdam na ramdam na natin ito. Ang init, ang pag-ulan pagtirik ng araw na sanhi nating lahat. Tulad nga ng sa artikulong Waste, tayo ang nagsimula tayo rin ang magtapos. Hindi mag-isang maayos ang mundo. Simulan natin sa pagbawas sa paggamit ng mga gadgets at mga bagay na makakasama sa ating kapaligiran, magtanim tayo nang mga puno at maging disipilanado sa lahat ng ating ginagawa, sa pag gamit ng fossil fuels, kung maari bawasan o gumamit ng mga sasakyan na nangangailangan ng less fuel o gaas. Sana mayroon paring pag-asa ang ating daigdig. Nasa atin ang sagot kung hahayaan nalang ba natin ito, o tayo’y aaksyon at sosolusyunan ang mga bagay na pede parin nating pangahalagaan at maisalba. It is never too late, hopefully.

    Blessilda Marie Wyona V. Ragaza
    BSIOP 1-1

    ReplyDelete
  26. nakaklungkot na sa kabila ng pag-usbong ng mga bagong teknolohiya ay ang patuloy na pagkasira ng mundo. hindi dapat nasisira ito kung patuloy natin pahahalagahan at pagkaingatan. Tayo rin ang naaapektuhan ng patuloy na paglala ng global warming. Hindi pa huli ang lahat. gamitin natin ang atin talino upang makahanap ng paraan para pigilan ang paglala ng global warming at ang atin mga puso upang mahalin ang mga likas na yaman sa atin mundo.

    Jessica manalaysay
    BSBA-MM-1N

    ReplyDelete
  27. Tayo rin naman ang dahilan kung bakit nasisira na ang ating kapaligiran. Tayo rin ang dahilan kung bakit nanganganib na ang ating mundo, ang mundong ating ginagalawan. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng napakaraming naiimbento ng mga tao ay tayo rin ang dahilan kung bakit nasisira ang ating kalikasan. Sana'y magkaisa na ang lahat, at gamitin natin ang ating talino upang maisalba ang ating kalikasan, ang ating mundo. Hindi pa huli ang lahat.


    Mahalin natin ang binigay sa atin ng Diyos at huwag natin pabayaan na ang mga susunod na henerasyon ay wala ng makikitang mga likas na yaman.


    Gelyn B. Cabingan
    BSBA-MM1-1N

    ReplyDelete
  28. Marami na ang naniniwala na ang temperatura sa ating mundo ay patuloy sa pag-init. Ito ay isang nakaaalarmang katotohanan para sa ating lahat. Ano nga ba ang mga sanhi sa patuloy na paglala ng kondisyon ng ating planeta?

    Ang patuloy na paglaki ng populasyon sa ating mundo ay isang napakalaking paktor. Dito na lamang sa Pilipinas, patuloy ang paglobo ng populasyon at karamihan dito ay mga nakatira sa iskwater. Karaniwan na ang mga iskwater na ito ay nagtatayo ng kanilang mga bahay sa gilid ng mga estero o ilog. Bunga nito ay ang isa pang paktor sa patuloy na pag-init ng ating mundo; ang polusyon. Kulang sa disiplina ang mga tao upang itapon n maayos ang kanilang mga basura. Maaari din na sobrang basura ang nagagawa dahil sa grabeng bilang ng tao. Ang ating “Ozone Layer” na nagsisilbing proteksyon mula sa matinding init ng araw ay nagkaroon na din ng diperensya. Nariyan pa ang “Green House Effect” na kukumpleto sa mga pinakagrabeng dahilan kung bakit patuloy sa pag-init ang ating mundo. Pwede na din isama ang pagkakalbo ng mga kagubatan.

    Kung magpapatuloy ang ganitong mga pangyayari, malaking pagbabago ang idudulot nito sa ating mga sarili at ating pamumuhay. Huwag natin hayaan na mahuli ang lahat. Laging nasa huli ang pagsisisi. Kumilos tayo hanggat may oras pa upang sagipin ang ating mundong ginagalawan.

    AXL JOHN MICHAEL S. BARROZO
    BSBA-MM-1-1N

    ReplyDelete
  29. Ang pag-init ng globo ay makakaapekto sa ating lahat. kailangan tayong magtulong tulong para maiwasan ito tulad ng pag-aalaga sa ating kalikasan. Marami sa atin na ang mga kagubatan ay sinisunog upang gawing tirahan ng nga tao , pinuputol ang mga puno para gawing bahay . Hangga't maaari ay iwasan natin ito. Iwasan din ang pag-aasawa ng maaga dahil nakakaapekto ito sa ating populasyon na isa sa mga dahilan ng pag-init ng globo.

    Magkaisa tayong lahat upang iligtas ang mundo .


    Amabel P. Guevarra
    BSBA-MM-1-1N

    ReplyDelete
  30. Disiplina at Pagmamalasakit.

    Ito marahil ang ating pagkukulang kaya't tila napapabayaan na ang ating mundo. Kung tayo'y magpapatuloy sa pagbabalewala sa ating mundo, tiyak na balang araw sisingilin tayo nito. Sa katunayan nakikita na nga natin ang mga bunga ng ating kapabayaan. Kamakailan lang ay grabeng pinsala ang dinulit ng bagyong Ondoy at di malayong maulit pa ito at ang mas nakakapangamba ay mas malala pa dito ang mangyari.

    Disiplina na magsisimula sa bawat isa sa atin ang kailangan, pagbubulsa ng maliliit na basura ay napakalaking tulong na. Lalo na kapag ipinatupad sa ating bansa ang paggamit ng papel na supot.

    Pagmamalasakit! Kung mayroon tayo nito, alam natin kung paano pahahalagahan ang mundo. Makilahok sa mga programa na ukol sa pagpapaganda at pagpapanatili ng kagandahan at kaayusan ng mundo.

    Magtulong tulong tayo bago pa mahuli ang lahat at baka ang susunod na henerasyon ay wala ng madatnan.

    @ Ritchelle Remolano
    BBTE 2-3N

    ReplyDelete
  31. Kung gusto maraming paraan..

    Kahit ako ay nasaksihan ko din ang painit na painit ang temperatura. Halos di na natin mapigilan ang pag-init nito. Naramdaman natin ang iba't ibang epekto nito . Ang pagtuyo ng mga halaman sa kabundukan., ang pagkamatay ng mga hayop dahil sa sobrang init at ang paiba-iba ng klima. Maging sa parteng Hilaga at Silangan ng mundo na puno ng yelo, ngayon ang yelo doon ay unti-unti ng natutunaw. Na nagiging dahilan ng pag-apaw ng tubig na dumadaloy sa iba't-ibang karagatan. Nasa kamay natin ang pagbabago. Kung gusto natin na matigil ito ay gumawa tayo na paraan. Magtanim tayo ng mga halaman sa mga nakakalbong kagubatan. Pagtapon ng basura sa tamang lalagyanan at magkaroon tayo na pagpapahalaga sa kalikasan.. Tayo rin ang makikinabang nito at maging ang susunod na henerasyon.


    Czarina Marie C. Esquivel
    BADPR 1-1N

    ReplyDelete
  32. PAG-INIT NG GLOBO
    Ang pag init ng globo ay isa sa napakalaking problema ng mundo.Maraming dahilan kung bakit umiinit ang globo kagaya ng sabi ni ma'am liwayway sa kanyang article ang paglaki ng populasyon na talagang hindi na mapigilan. Habang tumatagal mas lalong kumakapal ang populasyon sa mundo kahit may family planning hindi pa rin maawat sa paglaki ng populasyon kaya ang mundong ating kinalalagyan ay patuloy na umiinit sa sobrang dami.Nakakadagdag rin ang polusyon at mga basura sa pagbutas ng Ozone Layer. At ang Green House Effect ang pag init ng temperatura sa ating paligid sanhi nang enerhiya mula sa araw at pagputol ng mga puno at marami pang iba. Sobrang daming dahilan ng pag init ng globo at tayo ang dahilan simula ng pinanganak tayo marami na ang naiambag natin sa pag init ng globo-ang mga usok na nagmumula sa sasakyan na ating ginagamit,ang paggawa ng mga bagay na dumadaan sa iba ibang makinarya . Hay naku sobrang dami talaga hindi pa huli ang lahat gawin natin ang ating makakaya upang mailigtas ang globo dahil tayo rin naman ang makikinabang at ang mga magiging anak natin o yung mga susunod na henerasyon.

    Almira Joy B. Sumampong
    BADPR 1-1N

    ReplyDelete
  33. Tunay ngang napakamapanganib ng sitwasyon ng ating mundo sa ngayon, lubhang umiinit na ang temperatura nito. Hindi lang ang mga hayop o mga iba pang naninirahan sa mundo ang naaapektuhan nito, kundi pati din tayong mga tao. Kaya magtulong tulong upang tuluyang malutas ang problema.

    Kei Ann Clariño
    BSEd 1-3D

    ReplyDelete
  34. Tayo ay nasa delikadong sitwasyon ngayon dahil patuloy ang pag-init ng ating mundo at hindi na natin ito mapipigilan pa pero may magagawa tayo upang mabawasan ang epekto nito. matuto tayong alagaan ang ating mundo.

    May Ann Merino
    BSED 1-3D

    ReplyDelete
  35. isang araw ay wala na tuyo na ang lahat malay nyo makita nyo ang makabagong gera "ikatlong digma ang pang mundo" si gurado marami ang mag papatayan paralang sa tubig.

    Paano na ang bukas kung isang araw ay puro buhangin lang ang makikita nyo ang hirap non. painit nang painit ang panahon kailan ba matututo ang tao sa kanyang mga pagkakamali sa bandandg huli pa ba?

    tara at mag isip ng normal kailangan natin ibalik sa dti ang lahat alam kong mahirap ito pero dadali ito kung tayo ay mag tututlungan

    juram dela peña
    BSEd 1-3d

    ReplyDelete
  36. Tayong mga tao rin naman ang may kagagawan nito lalo na ng pagkakroon natin ng polusyon, kya tayo rin ang nahihirapan at naaapektuhan ng sarili nating kagagawan na maaring pati ng mga sa susunod pa na henerasyon ay maapektuhan.

    ReplyDelete
  37. Sa bawat pagikot ng mundo maraming pangyayaring nagaganap na nag ilan sa atin ay di alintana ang mga pangyayaring ito.Ako ay sangayon sa mga kaisipang nailathahla ng sumulat sa may akda.Hangang ngayon maraming suliranin pa rin ang kinakaharap ng bawat isa sa atin, gayundin ng buong sanlibutan.Ang paginit ng globo sa payuloy na padaan ng panahon ay patuloy ring lumalala, ito ay sa kadahilanang marami na sa mga bagay sa mundo ang unti umting nauubos, o dili kayay ang hindi tamang pagreresiklo sa mga bagay na maari pang mapakinabangan.Magpahanggang sa ngaun ay patuloy pa ring lumalala nang problemang ito tanging solusyon lamang ang tamang pagkalinga sa ga bagay na binigay sa atin na Poong Maykapal.

    ReplyDelete
  38. ang maiinit na temperatura ngayon sa ating mundo ay di n maiiaalis subalit ito ay magagawan natin ng paraan na manatili na lang sa ganitong kalagayan. Kaya ang mga pagsasawalang bahala natin sa ating kapaligiran ay dapat na nating alisin.Maging responsable tayo sa mga nangyayarin sa ngayon dahil tayo rin naman ang may gawa nito.

    ReplyDelete
  39. sa bawat pagtakbo ng oras mas lalong nasisira at nakakalbo ang atin kapaligiran at ito ay kagagawan din nating mga tao. walang makaka resolba nti kundi tayo. kailangan natin itong ma solusyonan para sa mga susunon na henerasyon.

    ReplyDelete
  40. Marami sa atin ngayon ang nakakaranas ng matinding init. Isa lang ang dahilan nito ay ang mga spray, mga chemical, pollusyon sa tbig, hangin at iba pa.

    Ang ganitong kalagayan ay maghahatigd sa atin ng maraming sakit ..
    Kaya kailangan na natin kumilos at sumilan ang tamang solusyon!!

    ReplyDelete
  41. Isang realisasyon ang artikulo na ito kung saan malaki ang ikinatulad ng mga sinabi sa realidad na ating nararanasan ngayon. Ngunit kung atin lamang susuriin at kung magiging malawak lang ang ating pag-iisip, sasabihin natin na kaya natin gumawa para sa ating mundong gingalawan.kahit sa simpleng bagay lang kaya natin gumawa

    ReplyDelete
  42. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  43. Ang artikulong ito ang pumukaw sa akin kung gaano na kahalaga ang ating kalikasan. Sa kabila ng pag-unlad ng modernong teknolohiya sa mundo ay gayun namang pagkasira ng ating kapaligiran. Ang salaysal na ito ang isa sa mga paraan upang ipadama sa atin ang kahalagahan nito, at ipaalam sa atin na kailangan na itong ayusin para sa ikabubuti at ikauunlad ng lahat ng nilikha ng Diyos.

    BSEd 1-3D

    ReplyDelete
  44. This article was very alarming and persuading as well to all the readers. we should all be aware what is happening in the place where we are living in. It states here the possible effects we might encounter if people still continue to abuse mother earth. We are the one to blame regards this environmental issue, it is all human's fault. It is our responsibility to keep environment clean and free from any harmful factors which can also affect but we fail to do it. The unusual weather that we are experiencing is the result of our being irresponsible and being ignorant about those things we should remember. If only we do our obligations and responsibilities regarding this, we might not end up like this, suffering from our wrong actions. but it's not the end of this as early as we can, we should do something about it. Let's cooperate with the concerned people in the world to help each other. Let's think of ways to prevent it and do an action, not just pending plan! Unity and solidarity of people is the best cure of it.

    AIRA RIZZA DERAY
    BSBA-MM 1-2D

    ReplyDelete
  45. Marami at iba’t-iba ang hulang magiging dulot ng pag-init ng mundo sa kapaligiran at sa buhay ng tao. Kasama rito ang pagtaas ng katamtamang pantay laot, dulot sa sakahan, paghupa ng ozone layer, pagtindi at pagdalas ng mga matitinding klima, at pagkalat ng sakit. Sa ilang kaso, ang epekto ay maaring naririto na ngunit imposibleng ituro ang ugat nito sa isang tiyak na likas na kababalaghan na sanhi sa pag-init ng mundo. Isa rito na pinagdedebatihan ay ang relasyon sa pagitan ng pag-init ng mundo sa mga bagyo.
    Ilang siyentipiko ang nagdadawit na ang epekto ng pagdilim ng mundo (dulot sa pagbaba ng liwanag ng araw ng umaabot sa balat ng planeta na maaring dulong ng mga aerosol) ay maaring kumukubli sa ilang epekto ng pag-init ng mundo. Kung totoo ito, ang di-tuwirang epekto ng aerosol ay mas malakas kaysa unang paniwala na magpapakita na ang sensitibidad sa klima sa greenhouse gases ay mas malakas.


    Mark Cedrick Banta
    BSBA-MM1-2D

    ReplyDelete
  46. mapanganib na ngang maituturing ang lumalalang sitwasyong kinakaharap ng ating mundo.kung tutuusin lahat naman tayo ay maaapektuhan ng problemang ito subalit nakapagtataka na para bang lahat ay may kulang ,una na dito ang pagkakaroong ng disiplina ng bawat isa sa atin.
    siguro panahon na para mamulat ang ating kaisipan upang maiwasan pa natin ang paglala ng problemang ito

    Rowella G. Sablan
    BADPR 1-1N

    ReplyDelete
  47. ang pag-inti ng globo ay tunay na mapanganib, kaya ngayon ay nagsisi na tayo. dapt dati palang siguro naisip na natin ang kahihintnan ng kapabayaan natin. aminado akong isa ako sa mga taong pakealam sa kahihitnana ng simleng pagpapabaya ko dati. sana ngayon may magawa pa tayo para mabago ang nanagyayari. sana naging mas responsable tayo, ang magagawa natin ngayon ay magbago at ibalik ang dati.



    ang artikulong ito ay nakakapag bukas talaga ng mga mata sa tunay na senaryo sa ating mundo ngayon.



    Catherine G. Serdoncillo
    badpr=1-n

    ReplyDelete
  48. ANG PAGBABAGO NG KLIMA AT PAG-IINIT NG MUNDO



    Ang pagbabago ng klima ay pandaigdigang suliranin na kinakaharap ng mundo sa ngayon. Isa lamang ito sa maituturing na pinamatinding hamong sinusuong ng kapaligiran at ng tao sa daigdig. Ramdam natin ang mga epektong dulot nito, gaya ng ating mga nararanasang tag-ulan sa tag-init at pag-init sa panahon ng pag-ulan.



    Ayon sa Climate Action Network South East Asia (CANSEA), lahat ng aspeto ng klima ay nakatali sa pag-iinit ng himpapawid: ang direksiyon ng hangin , panahon ng tag-ulan at tag-init, mga bagyo, pagkilos ng tubig sa dagat at iba pa. Ang kabuoan ng mga pagbabagong ito ay tinatawag na Climate Change o pagbabago ng klima. At ang Global Warming o pag-iinit ng daigdig ay isa lamang sa nagaganap na pagbabago sa ating klima sa mundo.



    Ayon sa mga siyantipiko, ang temperaturang pandaigdig ay nanatiling katamtaman dahil sa isang likas na sistema. Ang ilang “gas” sa himpapawid tulad ng “carbon dioxide (CO2)” ay nagkukulong ng init galing sa araw upang hindi lahat ay mawala. Ayon sa CANSEA, kung walang ganitong mekanismo maaaring napakalamig ng ating planeta. Ngunit dahil sa dami ng ibinubugang usok sa kalawakan mula sa mga sasakyan at pabrika, sobra na ang gas na naroon kaya nagkakaroon ng pagtaas ng temperatura sa mundo.

    ReplyDelete
  49. nararamdaman natin lahat ang pag init ng globo dulot ng mating mga pinag gagawa

    tayo ang may kasalanan nito kaya marapat lang na tayo ang humanap ng solusyon upang maiwasan to..

    umpisahan natin ito sa ating sarili.
    gawin natin ang lahat ng ating makakaya upang maiwasan ang lalong pag init ng ating globo

    kung hindi hindi natin uumpisahan ngeun?
    kelan pa?
    kung huli na ang lahat?

    marami tayong oras para gumawa
    wag natin sayangin ang oras natin sa walang kabuluhang gawain bagkus ituon natin sa mas nararapat

    BSBA-MM-I-IN
    MA. EUSEBIA B. DANTES

    ReplyDelete
  50. Ang paginit ng globo sa pagpatuloy na padaan ng panahon ay patuloy ring lumalala. Ito ay sa kadahilanang marami na ang mga bagay sa mundo ang unti unting nauubos, o dili kaya'y ang hindi tamang pagreresiklo sa mga bagay na maari pang mapakinabangan. Ang pagtuyo ng mga halaman sa kabundukan. Ang pagkamatay ng mga hayop dahil sa sobrang init at ang paiba-iba ng klima. Maging sa parteng Hilaga at Silangan ng mundo na puno ng yelo, ngayon ang yelo doon ay unti-unti ng natutunaw. Na nagiging dahilan ng pag-apaw ng tubig na dumadaloy sa iba't-ibang karagatan.



    Sa mundo, walang sigurado.
    Sino pa ba aasahan mo?
    ako? sila?

    Nasa ating mga kamay ang kasagutan.
    Nasa atin ang PAGBABAGO!.

    ReplyDelete
  51. Sa dinamidami ng ating nagawang kamalian sa ating inang kalikasan, ang pag-init ng ating mundo ang isa sa mga parusa o kapalit ng ating mga kamalian na naidulot natin sa kanya. ang paginit ng mundo ay isa sa senyales ng pagkasira ng ating mundo.
    isa sa mga malaking maiidulot nito kung patuloy itong umiinit ay ang pagkatunaw ng mga malalaking tipak ng yelo na nakapwesto sa hilagang at silangan ng ating mundo na maaaring magdulot ng pagkalubog ng ating mundo sa tubig.
    maraming maiidulot ang patuloy na pag-init ng ating mundo kung kaya't tayo ay magumpisa na muling alagaan ang ating inang kalikasan upang tayo ay mamuhay ng maayos at masagana.

    Felix L. Arcellana Jr.
    BSBA-MM-1-6N

    ReplyDelete
  52. Nakaaalarma ang pag-init ng globo.,.

    Dahil sa walang pakundangan sa pagtatapon ng mga basura kung saan-saan, patuloy na paggamit ng mga kemikal na nakasasama sa ating kalikasan, at marami pang iba.

    Kawalan ng disiplina at pagmamalasakit sa kapaligiran ang pinag uugatan ng lahat ng ito.

    Ang paginit ng globo ay isa sa senyales ng pagkasira ng ating mundo.Kahit naman sabihing marami na ang naaalarma sa pag init ng globo ay patuloy pa rin ang walang pakundangang pang aabuso sa kapaligiran kaya tutuloy ang mundo sa lubusang pagkasira kung hindi ito magagawan ng agarang aksyon na dapat gawin ng lahat ng tao.

    Tutal,tao din naman ang dahilan ng pag init ng globo kya dapat lang na tao rin ang gumawa ng solusyon nito dahil hindi ito masosolusyunan kung walang kasamang pagkilos at pag papanatili ng kaayusan.

    -MELBA P. BUDIIT
    -BADPR I-3D

    ReplyDelete
  53. Pag-init ng Globo ay isang epekto ng ating pagpapabaya sa ating kalikasan.
    Ito ay sanhi ng mga walang pakundangang pagtatapon at kawalan ng pagmamalasakit sa ating Inang Kalikasan.

    Habang tayo ay may magagawa pa, pagtulungan na natin itong iligtas. Maraming paraan kung gugustuhin lamang natin.

    CABRERA, Analyn C.
    BSIOP I-1

    ReplyDelete
  54. Nakakalungkot mang isipin na ang pag-init ng globo ay dahil sa atin- Dahil sa ating pagiging makasarili. Ibinigay sa atin ng Diyos ang mumunting paraiso na ito subalit ito'y dahan-dahan nating sinisira. Kahit sa ating simpleng pagkilos ay lubos na maapektuhan ang ating kapaligiran. Halimbawa ay ang pagtapon ng ating basura sa daan.
    sa tingin natin ay maliit lang ang epekto nito sa'ting kapaligiran . Ngunit kung lagi-lagi naman nating ginagawa ay lumalumaki din ang epekto nito sa ating kapaligiran.

    Huwag nating hayaan na sirain ang paraisong ito na ibinigay sa atin ng Diyos.
    Lagi nating tatandaan na "nasa huli ang pagsisisi"


    YVOUNE RIVERA
    BSIOP 1-1

    ReplyDelete
  55. Ang pag-init ng globo ay ang pangunahing produkto ng kawalan ng pagmamahal ng mga tao sa kanyang kinatatayuan—ang kanyang kapaligiran. Sa madaling sabi, dahil sa kapabayaan ay ginagantihan na tayo ng kalikasan. Marapat na magpasalamat tayo sa Panginoon sapagkat ibinigay niya sa atin ang lahat ng ating mga pangangailangan. Upang makapagapasalamat sa kanya, dapat ay pangalagaan natin ang kayamanang ito na kanyang ipinagkaloob sa atin. Bukod pa rito, tayo rin ang maghihirap sa bandang huli..

    ReplyDelete
  56. Kaya lang naman natin nararansan ang mga ganitong bagay ay dahil sa ating walang pakialam at pagiging pabaya sa ating kalikasan. Sana huwag na natin ipagpatuloy ang mga ganitong gawain dahil tayo rin naman ang naghihirap diba? Gusto niyo pa ba na lumala pa ito? Kung ayaw niyo, eh di gumawa na kayo ng hakbang ngayon para hindi na lumala pa ang sitwasyong ito.

    PRECIOUS DESIREE EMPESTAN
    BSBA-HRDM I-2

    ReplyDelete
  57. Tunay ngang nakakabahala ang sobrang pag-init ng globo. Mga nakakaalarma tulad ng mga nangyayaring hindi na normal sa kalupaan at karagatan. Ito ay kasalanan ng mga taong nag-aalaga sa kalikasan, tanong ko, nag-aalalaga o inaabuso?

    Kapag nagalit ang kalikasan, walang makakapigil, kapag hinagupit na tayo ng mga kalamidad, wala tayong lakas para ito’y pahintuin. Tayo mismo ang gumagawa ng mga bagay nna ikagagalit ng kalikasan pero tayo rin ang makakagawa sa pagbabagong hinahangad ng Inang Kalikasan.

    Pagbabagong dapat simulan na ngayon hindi yaong magsisimula kung marami ng mga nasawi o mga nasira ng tahanan.
    Lindol, inuuga na ang mga lugar natin, bakit? Ginigising tayo sa pagkakatulog. Pagkakatulog sa pagmamalupit natin sa kalikasan.
    Bagyo, nagdadala ng mga ulan at malalakas na hangin. Ulan na tila galit na galit sa bubongan ng ating mga tahanan, para bang gusting-gustong gibain ang tahanan dala ng malakas na hangin.

    Gumising na tayo sa realidad. Alagaan natin ang mga bagay na meron tayo, sa tingin ko hindi na mababalik pa sa dating ganda ang mga sira na, ang tanging magagawa na lang natin ay pigilan pa ang pagkasira ng mga ito.


    AMITO, Valentine Jr. L.
    BC-ECD 3-3

    ReplyDelete
  58. We should discipline ourselves. Proper waste disposal should be practiced. We should start recycling those materials that can still be used. Let us not wait for the day that we can no longer enjoy this God given earth. Be Responsible. Act NOW.

    Karen B. Ayonan
    BSIOP II-2

    ReplyDelete
  59. Isang nakakatakot na katotohanan ang pag-init ng ating globo at habang tumatagal, mas lalo pa itong lumalala. Dahil sa di matigil na paggawa natin ng mga bagay na nakakatulong sa mas lalo pang pag-init ng ating kapaligiran, mas lalo tayong mahihirapan kung paano natin ito masosolusyunan. Bilang tagapangalaga ng kalikasan, tungkulin natin na salaminin ang araw-araw nating gawain sa ating kalikasan. Dapat nating isipin kung makakasama o makakabuti ba sa kalikasan ang gagawin natin kahit pa na ito ay mahalaga. Bilang kabayaran sa lahat ng bagay na naibigay sa atin, tungkulin natin na ibalik ito sa paraang di makakasira sa inang kalikasan.

    Aicelle Cabillan
    BLIS 4-1

    ReplyDelete
  60. Lubhang nakakatakot ang patuloy na pag init ng globo dahil sa madaming masamang maidudulot nito satin. Kung patuloy natin itong isasa walang bahala ay tayo rin ang mahihirapan dahil sa tayo din naman ang gumagawa ng pag kasira ng ating mundo. Ating tungkulin ang alagaan ang ating kalikasan hindi sirain kaya habang maaga pa tayo ay mag kaisa at gumawa ng paraan para mailigtas at maiwasan ang tuluyang pagkasira ng kalikasan.
    - Charisse Jane J. Cayabyab BLIS4-1

    ReplyDelete
  61. Ang mundo ay totoong umiinit gawa ng Greenhouse effect at pagkabutas ng Ozone Layer na sumasalo sa sobrang init na nanggagaling sa araw. Gawa din ito ng paglobo ng populasyon at ng iba't iba pang populasyon sa mundo na nakakadagdag sa mga dumi na nagdudulot ng mga greenhouse gases na kung saan ginagawa ng mga ito na mas siksik ang atmospera ng mundo at siyang nagiging sanhi naman ng pagkabutas ng Ozone Layer. Maging ang pag unlad ay nakakaapekto din sa pag init ng mundo sapagkat kung dati ay puro puno ngayon ay pinuputol na sila upang gawing mga subdibisyon of mga pagawaan ng mga produkto ngunit hindi naman masama ang pag unlad basta ang mahalaga ay ilalagay ito sa tama at hindi dapat sosobra. Sa kursong agham sa impormasyon at pagpapakabibliyotekaryo isa kami sa mga unang hakbang sa pag iimpluwensya sa mga tao ng kung ano ang dapat na gawin upang hindi na masaktan pa ang kalikasan sa pamamagitan ng pagiging huwaran namin sa pag aalaga ng kalikasan sa paraang pagkakalat ng impormasyon ukol dito.

    John Patrick Mabuti
    BLIS 4-1

    ReplyDelete
  62. Tungkulin nating mga tao na pangalagaan at panatilihing maayos at malinis ang ating kapaligiran. Sa ngayon, nakakalungkot isipin na imbes na gawin ang nararapat na responsibilidad ay kabaliktaran ang ginagawa. Ito ang isa sa rason kung bakit natin nararanasan ang pag-init ng globo na nagbibigay ng sobrang init na temperature. Ang pag-init ng globo ang isa sa mga dahilan ng pagsusulputan ng iba’t ibang uri ng sakit na maaaring maging sanhi ng kamatayan. Maiiwasan naman natin ito kung meron lang tayong maraming puno sa ating paligid na nagbibigay ng malinis at preskong hangin. Pero sa kasamaang palad ay unti-unti rin silang nauubos dahil sa patuloy na illegal na pagputol ng puno lalo na sa ating kagubatan. Sa kurso kong library and information science, makakatulong ako sa sarili kong paraan sa pamamagitan ng pagsali sa mga programa tungkol sa pagsalba n gating mundo. Ang pagtatanim ng mga puno sa kagubatan ay isa sa mga solusyon para mabawasan ang problemang ito.

    Richelle B. Tilla-in
    BLIS 4-1

    ReplyDelete